Byaheng Cebuano: Paglalayag sa Paniniwala, Tradisyon, at Kaugalian ng Isang Kultura



Renjeilme Maghilum & Jecel Guipetacio 

Panimula

    Ang mga Cebuano ay isang pangkat etnikong mula sa kabisayaan na pangunahing matatagpuan sa pulo ng Cebu at bumubuo sa ikalawang pinakamalaking pangkat lingwistiko sa Pilipinas. 

  Nakapanayam namin Ang Isang mamayang Cebuano mula sa Romagooc Kibawe Bukidnon na si Jasmin Auxtero Taganas patutungkol sa kultura bilang Isang mamayang Cebuano.

Katawan

A. Paniniwala at Tradisyon

Isa sa mga kultura ng mga Cebuano ay ang kanilang pananampalataya o relihiyon, karamihan sa kanila ay Katoliko at Kristiyano sa iba naman sa kanila ay Budhismo at Protestantismo. Ang kanilang wika naman ay bumubuo ng Wikang Cebuano, Ingles, Tagalog at kastila. Ang kanilang mga ugali o asal ay pagiging malikhain, matulungin, maka Diyos at mapagmahal lalo na sa matatanda. Ang mga Cebuano ay kilala sa pag-uugaling masisipag at marunong mag tipid upang makatayo ng sariling negosyo.

B. Kamatayan

     Ayon Kay Jasmin, kapag may namatay na kaanak ipanagbabawal ang pagsusuklay, pagwawalis, at pagligo habang maylamay.

C. Pag-iiwas sa pagbubuntis

    Ayon Kay Jasmin, maiiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng gayuma (lumay). Nagagawa ito kapag inisisinturon Ang bayo malapit sa puson para hindi magbuo Ang Bata.

D. Pag-aalaga at pagdidisiplina sa Anak

      Ayon Kay Jasmin, ang kulturang Cebuano ay naniniwala sa kasabihang “madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng bunga” ito ang karaniwang naririnig nila sa kanilang mga magulang pero isang malaking karangalan ito sa kanila na lumaki ang anak sa tamang landas.

E. Mga batas at Tradisyon sa paggagamot

Isa sa mga tradisyonal na paggagamot ng kulturang Cebuano ay Ang “tuob” na syang ginagawa kapag Ang Isang tao ay nalipasan ng gutom. Isa rin Ang pag inom ng “hilbas” kapag nasusuka o mayroong hyperacidity. Kapag nmn ang isang tao ay mataas ang dugo (high blood) pinapakain ito ng bawang.

F. Pamahiin

Sa kulturang Cebuano, hanggang ngayon ay patuloy na nakagapos sa pamahiin na may malaking papel sa kanilang Buhay. Nag bigay si Jasmine ng ilang pamahiin:

1. Pag hindi pa kasal hindi dapat pumupunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng talong araw bago umalis.

2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin Ang bagong kasal , suklayan at painumin ng bulaklak ng dapo o orchids na kulay puti.

3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag asawa.

4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may magnanakaw na papasok sa bahay.

5. Sa pagpapatayo ng bahay tiyakin na nasa tamang buwan at tamang pitsa. Lagyan ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng bahay.


G. Paniniwala sa pagtatanim at hanapbuhay

     Ayon kay Jasmin may mga paniniwala sila na kadalasang isinasagawa sa pagtatanim at pag aani. Narito ang kanyang mga pahayag:

1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan,mag sumbrero ng malaki, magpakabusog, kumain ng marami at huwat tumingala para magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito.

2.  Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang tuhod at kamay. Gumagapang habang nagtatanim at sabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga nito.


H. Mga paniniwala sa aswang

Ayon kay Jasmin, ang mga nakakatakot at di-karaniwang nilalang ay nakaugat sa kanilang paniniwala. Mula pa sa mga lolo’t lola, ama’t Ina, at tiyo tiya, ang paniniwalang ay may malaking epekto sa kanilang pananaw sa buhay. Hindi man natin sila nakikita, naniniwala parin ang mga tao na may ganitong uri ng nilalang. Naniniwala ang mga albolaryo sa mga sumusunod kaugnay sa aswang:


1. Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan.

2. Mahal na araw kung sila ay nag sisilabasan dahil wala si Kristo.



Wakas

Sa kabuoan ng panayam, aming napagtanto na hanggang ngayon ay umiiral parin ang kanilang paniniwala,tradisyon at kaugalian ng kanilang kultura na kanilang namana sa kanilang mga ninuno. Karamihan dito ay sinusunod at iniingatan hanggang ngayon.



Comments